Miyerkules, Hulyo 30, 2014

ASYA        


          Isa sa mga lupalop sa mundo ang ASYA. Ito ang may pinakamalaking bilang ng populasyon sa lahat ng kontinente. Ito rin ang pinakamalaking kontinente at pinakamalawak na sakop sa mundo sapagkat sakop nito ang 1/3 ng mundo. Ito ay may sukat na 49,649,700 milya kuwadrado.
  
          Ang Asya rin ay tinaguriang isa sa pinagsibulan ng mga dakillang kabihasnan na nagpabago at humubog sa kaisipan at paniniwala ng mga tao sa daig-dig nating ito. Ang  kabihasnang tsina, india, persia, armaiko, at mesopotamia ay ilan lamang sa mga kilalang kabihasnan na nagmula dito sa Asya. Dito rin matatagpuan ang dagat timog tsina (ang pinakamalaking dagat sa mundo), karagatang indian, karagatang pasipiko, at karagatang artiko.

          Ang Asya ay nahahati sa lima. Ang Hilagang Asya, Kanlurang Asya, Timog Asya, Timog Silangang Asya, at Silangang Asya. Ang kanilang rehiyunal na pagkakahati-hati ay ang mga sumusunod.

HILAGANG ASYA:

a. Armenia – Ito ay may lapad na 29,800 kilometro  kuwadrado. May populasyon na 2,970,495. Ito ay matatagpuan sa silangang bahagi ng Caucasus at ito ang pinaka maliit sa republika ng sobiyet . Ang Armenia ay pinalilibutan ng Georgia sa hilaga, Azerbaijan sa silangan,  Iran sa timog, at Turkey sa kanluran.

b. Azerbaijan – ito ay may lapad na 86,600 kilometro kuwadrado. May populasyon na 9,493,601. Matatagpuan sa kanlurang baybayin ng Caspian sea. Ang rehiyong ito ay mabudok, at pitong porsyento (7%) lamang ang pwedeng mapagtaniman.

c. Georgia – ito ay may lapad na 69,700 kilometro kuwadrado. May populasyon na 4,570,934. Ito ay napapalibutan ng dagat itim sa kanluran, turkey at Armenia sa timog, Azerbaijan sa silangan, at Russia sa hilaga.

d. Kazakhstan – ito ay may lapad na 2,717,300 kilometro kuwadrado. May populasyon na 17,522,010. Ito ay matatagpuan sa gitna ng Asya at napapalibutan ng Russia sa hilaga, China sa silangan, kyrgyztan at Uzbekistan sa timog at Caspian sea at kakaunting bahagi ng turmenistan sa kanluran. Ito ay halos apat na beses ang laki sa Texas. Ang lugar na ito ay kadalasang steppe at may bulubundukin.

e. Kyrgyzstan – ito ay may lapad na 191,300 kilometro kuwadrado. May populasyon na 5,496,737. Ang Kyrgyzstan ay halos puro tien shan mountain na sumasakop ng humigit kumulang siyamnaput limang porsyento (95%) ng buong teritoryo. Ito ay napapalibutan ng Kazakhstan sa hilaga at hilagang kanluran, Uzbekistan sa timog kanluran, Tajikistan sa timog, at China sa timog silangan.

f. Mongolia – ito ay may lapad na 1,565,800 kilometro kuwadrado. May populasyon na 3,226,516. Ito ay nasa gitnang Asya sa pagitan ng Siberia at China. Ang rehiyong ito ay maraming talampas na umaabot ng tatlong libo hanggang limang libong talampakan (3,000 ft. – 5,000 ft.). Sakop din ng Mongolia ang malaking bahagi ng gobi dessert.

g. Tajikistan – ito ay may lapad na 143,100 kilometro kuwadrado. May populasyon na 7,768,385. Siyamnaput tatlong porsyento ng lugar na ito ay bulubundukin. Ito ay lugar kung saan madalas na lumindol. Napapalibutan ito ng China sa silangan, Afghanistan sa timog, Uzbekistan at Kyrgyzstan sa kanluran at timog.

h. Turkmenistan – ito ay may lawak na 488,100 kilometro kuwadrado. May populasyon na 5,054,828. 9/10 ng Turkmenistan ay disyerto, dahil nandito ang kara-kum (ang pinakamalawak na disyerto sa buong mundo) na sumasakop ng 360,000 kilometro kuwadrado. Ito ay napapalibutan ng Caspian sea sa kanluran, Kazakhstan sa hilaga, Uzbekistan sa silangan, at Iran at Afghanistan sa timog.

i. Uzbekistan – ito ay may lawak na 488,100 kilometro kuwadrado. May populasyon na 28,394,180. Ito ay nasa gitnang Asya. Ito ay napapalibutan ng Kazakhstan sa hilaga at hilagang kanluran, Kyrgyzstan at Tajikistan sa silangan at timog silangan, turkmenistan sa timog kanluran.

KANLURANG ASYA:

a. Bahrain – ito ay may lawak na 665 kilometro kuwadrado. May populasyon na 1,248,348. Bahrain na ang ibig sabihin ay dalawang dagat ay isang kapuluan sa Persian gulf na malapit sa dalampasigan ng Saudi Arabia. Sa mga nakaraang panahon, ang lugar na ito ay puro buhangin at mga baton a siya naming dahilan kung bakit nagging magkakonekta ang Bahrain at Saudi Arabia.

b. Cyprus – ito ay may lawak na 9,241 kilometro kuwadrado. May populasyon na 1,138,071. Ang Cyprus ang pangatlo sa pinakamalaking isla sa Mediterranean. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng dalampasigan ng turkey at baybayin ng Syria.

c. Iran – ito ay may lawak na 1,635,999 kilometro kuwadrado. May populasyon na 78,868,711. Ang iran ay nasa gitna ng Caspian sea at ng Persian gulf. Ito ay halos tatlong beses ang laki sa Arizona. Sa hilagang bahagi nito matatagpuan ang Elburz mountain na umaabot ng 18,603 talampkan. Ang kanluran hanggang timog silangang bahagi naman nito ay nababalot ng disyerto na umabot ng 1,287 kilometro.

d. Iraq – may lawak na 433,970 kilometro kuwadrado. May populasyon na 31,129,225. Dito sa Iraq ay maraming matatagpuan na mga bundok, disyerto at maging ang mga ilog. Ang laki nito ay doble kung ikukumpara sa Idaha.  Napapalibutan ito ng iran sa silangan, turkey sa hilaga, Syria at Jordan sa kanluran, at Saudi Arabia at Kuwait sa timog.

e. Israel – ito ay may lawak na 20,329 kilometro kuwadrado. May populasyon na 7,590,758. Ito ay matatagpuan sa silangang dulo ng Mediterranean sea. Napapalibutan ito ng Egypt sa kanluran, Syria at Jordan sa silangan, lebanon sa hilaga. Ang timog na bahagi nito, kung nasaan ang negev region, na halos sumasakop ng kalahati ng Israel a ay isang malaking disyerto.

f. Jordan – ito ay may lawak na 34,286 kilometro kuwadrado. May populasyon na 6,508,887. Kadalasan, mga bundok ang matatagpuan sa rehiyong ito. Mga umaagos na ilog naman sa timog na bahagi nito. Ito ay napapalibutan ng dead sea at Israel sa kanluran, at Syria sa hilaga, Iraq sa silangan.

g. Kuwait – ito ay may lawak na 17,819 kilometro kuwadrado. May populasyon na 2,646,314. Ito ay matatagpuan sa hilagang silangan ng Saudi Arabia sa hilagang dulo ng Persian gulf at sa bahaging timog ng Iraq. Ito ay lumaki lamang ng kaunti kung ikukumpara sa Hawaii.

h. Lebanon – ito ay may lawak na 10,230 kilometro kuwadrado. May populasyon na 4,131,538. Ang mga bundok ang kadalasang sumasakop sa kanlurang bahagi nito. Ito ay matatagpuan sa silangang bahagi ng Mediterranean sea, hilaga ng Israel, at kanluran ng Syria.

i. Oman – ito ay may lawak sa 212.460 kilometro kuwadrado. May populasyon na 4,131,538. Kadalasang disyerto ang sumasakop sa gitna ng Oman. Ito ay isang libong milya (1,000 miles) na mga baybayin at kapatagan na malapit sa timog silangang dulo ng mga pulo ng Arabia. Ito ay kahangganan ng united arab emirates, Saudi Arabia, at yemen. Ang oman ay kasing laki lamang ng Kansas.

j. Qatar – ito ay may lawak na 11,437 kilometro kuwadrado. May populasyon na 1,951,59. Ito ay sumasakop lamang sa maliit na kapuluan na humaba lamang dahil sa pagkakarugtong nito sa Persian gulf. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng Saudi Arabia at united arab emirates.

k. Saudi Arabia ­– ito ay may lawak na 2,149,690 kilometro kuwadrado. May populasyon na 26,534,504. Ang pulo ng Arabian ang kadalasang sumasakop dito, kasama ang red sea at gulf of aqaba sa kanluran at Persian gulf sa silangan. Nandirito rin ang pinakamalaking tuloy-tuloy na diyerto, ang RUB AI – KHALI. Katabi lamang nito ang Jordan, Iraq, Kuwait, Qatar, United arab emirates, Oman, Yemen, at Bahrain.

L. Syria – ito ay may lawak na 184,051 kilometro kuwadrado. May populasyon na 22,530,746. Ito ay lumaki lamang ng kaunti sa Dakota. Ito ay matatagpuan sa silangang katapusan ng Mediterranean Sea. Ito ay napapalibutan ng Lebanon at Israel sa kanluran, turkey sa hilaga, Iraq sa silangan, at Jordan sa timog. Marami ding bundok ditto at ang pinakamataas ay ang mount hermon na umaabot sa 9,233 talampakan.

M. Turkey – ito ay may lawak na 770,761 kilometro kuwadrado. May popuasyon na 79,749,461. Ito ay matatagpuan sa hilagang silangang dulo ng Mediterranean sea. Ito ay nasa pagitan ng black sea. Malapit lamang ito sa Greece at  Bulgaria sa kanluran, Georgia, Armenia, Azerbaijan, at iran sa silangan, Russia, uraine, at Romania sa hilaga at hilagang kanluran, at Iraq sa timog. Ito ay halos kasing laki lamang ng texas.

N. united arab emirates – ito ay may lawak na 83,600 kilometro kuwadrado. May populasyon na 5,314,317. Ito ay silangang bahagi ng kapuluan ng Arabian. Kalapit lamang nito ang Saudi Arabia sa kanluran at timog, Qatar sa hilaga at oman sa silangan. Kadalasan ang lupain ditto ay mabuhangin.

O. Yemen – ito ay may lawak na 527,969 kilometro kuwadrado. May populasyon na 24,771,809. Ang yemen ay nahahati sa dalawang nasyon, ang people’s democratic republic of yemen at ang yemen arab republic. Ang yemen ay halos kasing laki na ng France. Ito ang sumasakop sa timog kanluran ng kapuluan ng Arabian.

TIMOG ASYA:

A. Afghanistan – ito ay may lawak na 647,500 kilometro kuwadrado. May populasyon na 30,419,928. Ito ay kasing laki lang ng texas. Napapalibutan ito ng Turkmenistan, Uzbekistan, at Tajikistan sa hilaga, china sa hilagang silangan, Pakistan sa silangan at timog at iran sa kanluran. Ang hindu kush mountain ay matatagpuan sa kanlurang bahagi nito na umaabot ng 24,000 talampakan. Kadalasan ay nababalutan ng snow ang mga lugar sa timog kanluran ditto.

b. Bangladesh – ito ay may lawak na 133,911 kilometro kuwadrado. May populasyon na 161,083,804. Ito ay nasa hilagang baybayin ng Bengal. Napapalibutan ito ng Indian, kasama ang maliit na hangganan ng Myanmar sa timog silangan. Ang monsoon at madalas na pagbaha ang kadalsang nagpapahirap sa rehiyong ito.

c. Bhutan – ito ay may lawak na 47,000 kilometro kuwadrado. May populasyon na 716,896. Ang lugar na ito ay mabundok. Kalahati ng Indiana ang laki nito. Nakatayo ito sa timog silangan ng Himalayas. Napapalibutan ng Tibet sa hilaga at silangan, at ng india sa timog at kanluran. Ang tanawin nito ay kadalasang matayog na mga bundok.

d. India – ito ay may lawak na 2,973,190 kilometro kuwadrado. May populasyon na 1,205,073,612. Ito ay napapalibutan ng Pakistan sa kanluran, Nepal at Bhutan sa hilaga, at Burma at Bangladesh sa silangan. Ang India ay nahahati sa tatlo, ang Himalayan region na naglalaman ng mga matataas na bundok, ang gangentic plain region at pleatu region.

e. Maldives – ito ay may lawak na 300 kilometro kuwadrado. May populasyon na 393,988. Ang Maldives ay isang grupo ng atolls sa Indian ocean sa timog kanluran ng sri lanka. Ang mga koral na matatagpuan ditto ay umaabot ng hanggang 1,190 sa mga isla at mga ilalim ng dagat ditto.

f. Nepal – ito ay may lawak na 140,800 kilometro kuwadrado. May populasyon na 28,951,852. Ditto sa Nepal matatagpuan ang mount everest, ang pinakamataas na bundok sa buong mundo na umaabot ng 29,035 talampakan. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng Indian at ng china. Sa timog na bahagi naman nito ay kalupaan na mayroong mga gubat.

g. Pakistan – ito ay may lawak na 778,720 kilometro kuwadrado. May populasyon na 193,283,868. Ang sukat nito ay halos doble ng sukat ng California. Ito ay matatagpuan sa kanluran ng Afghanistan at iran, silangan ng india, at Arabian sea sa timog. Sa hilaga at kanlurang bahagi nito  matatagpuan ang karakuram at pamis mountain na umaabot sa 28,250 talampakan.

h. SRI Lanka – ito ay may lawak na 65,610 kilometro kuwadrado. May populasyon na 21,481,334. Ito ay isang isla sa Indian ocean na malapiat sa timog silangang katapusan ng india.       Ang sri lanka ay halos kalahati lamang ang laki kung ikukumapara sa Alabama. Kadalasan, ang lupa dito ay patag, mayroon din namang ilang bundok na umaabot sa 8,000 talampakan.

TIMOG SILANGANG ASYA

a. Brunei – ito ay may lawak na 5,770 kilometro kuwadrado. May populasyon na 395,027. Ito ay halos kasing laki lamang ng Delaware. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng Malaysian states of saban at ng Sarawak.

b. Cambodia – ito ay may lawak na 181,040. May populasyon na 14,952,665. Matatagpuan ito sa kapuluan ng Indochinese. Napapalibutan ito ng thailang at laos sa hilaga at Vietnam sa silangan at timog. Maraming matatagpuan na budok na may dumadaloy na ilog dito.

c. East Timor – ito ay may lawak na 2,136,800. May populasyon na 6,586,266. Ito ay matatagpuan sa silangang bahagi ng timor. Ito ay isa sa mga pulo sa kapuluan ng Indonesian na matatagpuan sa pagitan ng china sea at Indian ocean.

d. Indonesia – ito ay may lawak na 741,096 kilometro kuwadrado. May populasyon na 248,216,193. Ito ay kasama sa ring of fire at ang pinakamaraming bilang ng mga active volcanoes sa buong mundo. Ito ay isa sa mga kapuluan ng timog silangang asya na naglalaman ng 17,000 isla ngunit 6,000 lamang dito ang kanilang tinitirahan.

e. Laos – ito ay may lawak na 2,136,800 kilometro kuwadrado. May populasyon na 6,586,266. Ito ay landlocked area sa timogsilangang asya na sumasakop ng malaki sa hilagang timog ng kapuluan ng Indochinese. Ito ay doble ang lawak sa Pennsylvania. Ang laos ay mabundok na lugar kunng saan may umaabot ng 9,000 talampakan.

f. Malaysia  - ito ay may lawak na 329,770 kilometro kuwadrado. May populasyon na 29,628,392. Ito ay nasa kapuluan ng malay. Kadalasan, ang lugar ditto ay nababalot ng gubat na may mga bundok na halos kasing haba na ng isang pulo.

g. Myanmar – ito ay may lawak na 678,500 kilometro kuwadrado. May populasyon na 584,650. Ito ay nasa pagitan ng india at china. Malapit lamang ito sa Bangladesh, laos, at Thailand. Ito ay lumiit lamang ng kaunti kung ikukumpara sa Texas.

h. Phillipines – ito ay may lawak na 300,000 kilometro kuwadrado. May populasyon na 103,775,002. Ang pilipinas ay kapuluan na umaabot sa 7,000 isla.ito ay ito ay nahahati sa tatlong bahagi. Ang Luzon na pinakamalaki, ang Mindanao at ang visayas. Ditto rin matatagpuan ang mount apo na umaabot ng 9,690 talampakan.

i. Singapore – ito ay may lawak na 692 kilometro kuwadrado. May populasyon na 5,535,494. Ito ay naglalaman lamang ng mga isla ng Singapore na malapit sa timog na katapusan ng kapuluan ng malay. Ito ay matatagpuan sa pagitan g china sea at pacific ocean.

j. Thailand – ito ay may lawak na 514,000 kilometro kuwadrado. May populasyon na 67,091,081. Ito ang sumasakop sa kanlurang bahagi ng kapuluan ng indichinese. Ito ay kasing laki ng france. Ito ay napapalibutan ng Myanmar sa kanluran at hilaga, laos sa hilaga at hilagang silangan, Cambodia sa silangan at malysia sa timog.

k. Vietnam – ito ay may lawak na 329,500 kilometro kuwadrado. May populasyon na 91,519,289. Ito ang sumasakop ng silangan at timog na bahagi ng Indochinese. Ito ay doble ang laki kung ikukupara sa Arizona.

SILANGANG ASYA

a. China – ito ay may lawak na 9,596,960 kilometro kuwadrado. May populasyon na 1,336,718,015. Malaking bahagi ng china ay bulubundukin. Sa timog kanluran nito matatagpuan ang Tibet. Mayroon din silang maipagmamalaking mga ilog, ang yellow river, Yangtze river, ang pangatlo sa pinakamahabang ilog sa buong mundo at ang pearl river.

b. Japan – ito ay may lawak na 377,915 kilometro kuwadrado. May populasyon na 127,368,088. Ito ay kapuluan sa pacific ocean. Halos kasing laki nito ng monram. Ang kanilang apat na pangunahing isla ay Honshu, Hokkaido, kyushu, at shikoku.

c. North Korea – ito ay may lawak na 120,540 kilometro kuwadrado. May populasyon na 24,589,122. Ito ay anim na raang milya (600 miles) palabas ng Manchuria, china. Ang hilagang timog na bahagi nito ay nababalutan ng gubat na pinaghihiwalay-hiwalay lamang ng mga bayan.

d. South Korea – ito ay may lawak na 96,920 kilometro kuwadrado. May populasyon na 48,860,500. Lumaki lamng ito ng kaunti sa Indiana. Kadalasan, mga daungan at baybayin ang sakop ng lugar na ito.

e. Taiwan – ito ay may lawak na 35,980 kilometro kuwadrado. May populasyon na 23,234,936. Sa republika ng china nakapaloob ang Taiwan. Malapit ito sa isla ng pescodores chains. Ito ay lumaki lamang ng kaunti sa pinagsamang Massachusetts at connecticut.

  


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento